4 na miyembro ng 'fake dollar gang' arestado
November 14, 2003 | 12:00am
Pinaniniwalaang nabuwag ng mga operatiba ng WPD at Bangko Sentral ng Pilipinas ang ilegal na operasyon ng isang sindikatong sangkot sa pagpapakalat ng pekeng dolyares sa Metro Manila at Central Luzon kung saan apat na miyembro nito ang nadakip sa isinagawang operasyon sa Sta. Cruz, Maynila. Nakilala ang mga nadakip na suspect na sina Dionisio Dimaandal; Lea Umpar; Yolanda Alerta at Renato Lorenzo.
Nasamsam sa posesyon ng mga suspect ang may 30 bungkos ng US$100 na aabot sa milyong piso ang halaga. Ang operasyon ay isinagawa matapos ang inihaing reklamo ng BSP tungkol sa pagkalat ng mga pekeng dolyares.
Patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation para alamin kung saan iniimprenta ang mga pekeng dolyares. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended