^

Metro

2 pulis,20 pa timbog sa shabu

-
Matapos masabon kamakailan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo tungkol sa mahinang drug operation sa kanilang lugar, nagpasiklab naman kahapon ang Eastern Police District Command (EPDC) kung saan nadakip ang may 22 katao kabilang ang dalawang pulis at nakasamsam ng mahigit sa isang kilo ng shabu sa isinagawang operasyon sa San Juan, Metro Manila.

Nakilala ang dalawang nadakip na pulis na sina PO2 Jesus Pacho, ng Makati Police at PO3 Paterno Alterado, miyembro ng CPD at di umano’y mahigit isang buwan nang AWOL. Bukod sa dalawang parak aabot pa sa 20 sibilyan na pinaniniwalaang nagbebenta ng ilegal na droga ang natimbog ng pulisya sa isinagawang operasyon kahapon dakong alas-5:30 ng madaling araw sa may Barangay West Crame sa San Juan.

Ang raid ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Marilou Tamang ng Branch 57 ng San Juan Municipal Trial Court.

Mahigit sa isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso ang nasamsam sa isinagawang operasyon.

Magugunitang isa ang EPD sa sinabon ng Pangulong Arroyo tungkol sa mahinang kampanya laban sa droga na isinasagawa ng mga ito. (Ulat ni Edwin Balasa)

BARANGAY WEST CRAME

EASTERN POLICE DISTRICT COMMAND

EDWIN BALASA

JESUS PACHO

JUDGE MARILOU TAMANG

MAKATI POLICE

METRO MANILA

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with