^

Metro

2 courier ng human smuggling syndicate,arestado

-
Muling binigo ng mga alertong kagawad ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tangka ng isang human smuggling syndicate na gamitin ang nabanggit na paliparan sa pagpupuslit ng mga Chinese patungong Estados Unidos nang maaresto ang dalawang courier ng sindikato kasama ang limang pasaherong Chinese.

Sa ulat ni Ferdinand Sampol, head supervisor ng BI-NAIA nakilala ang mga dinakip na courier ng sindikato na sina Jacques Wei, isang French-Chinese at Wang Xiao Lingzi. Ang dalawa ay naaresto kahapon ng umaga sa departure area ng Centennial Terminal 2.

Sinabi ni Sampol na naaresto ang dalawa kasama ang mga Chinese na nakatakda nilang ipuslit na sina Chen Zhigin, Lin Wu, Taihai Ouyang, Lin Konggan at Chen Zhi Yan, bago makasakay ang mga ito sa isang flight ng Phil. Air Lines patungong Hong Kong.

Napag-alaman na ang pagkaaresto sa pitong dayuhan ay bunsod sa pag-alerto ng US Embassy sa BI matapos masakote ng US Immigration and Naturalization Service ang limang Intsik na nagtangkang pumasok sa Estados Unidos gamit ang mga pekeng travel documents.

Sinabi ng US-INS na ang grupo ng mga dayuhang galing sa Pilipinas ay ang pangalawang batch ng mga illegal Chinese na papasok sa US base na rin sa pag-amin ng mga naunang nadakip.

Base sa rekord ng BI dumating ang mga dayuhan noong Nobyembre 4 bilang mga turista at nanatili sa bansa habang hinihintay ang pagpoproseso ng sindikato sa kanilang mga papeles. (Ulat ni Butch Quejada)

vuukle comment

AIR LINES

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

CENTENNIAL TERMINAL

CHEN ZHI YAN

CHEN ZHIGIN

ESTADOS UNIDOS

FERDINAND SAMPOL

HONG KONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with