Sinabi ni Sen. Oreta na dapat lamang sibakin sa puwesto ang mga police chiefs na natuklasang nabigong malutas ang drug problem sa kanyang nasasakupan upang maging epektibo ang kampanya ng gobyerno laban sa bawal na gamot.
Wika pa ni Oreta, lumitaw din sa isinagawang random drug tests sa 16 na pampubliko at pribadong paaralan sa Metro Manila na umabot sa 320 estudyante ang positive sa drug tests.
Kabilang sa natuklasan mismo ni Pangulong Arroyo na mababa ang performance sa pakikibaka laban sa drug problem ay ang Northern Police District sa ilalim ng pamumuno ni Chief Supt. Marcelino Franco, Eastern Police District sa liderato ni Chief Supt. Rolando Sacramento at Southern Police District sa leadership naman ni Chief Supt. Jose Gutierrez.
Ipinaliwanag pa ni Oreta na dapat magsagawa ng revamp si PNP chief Hermogenes Ebdane sa nasabing mga police districts makaraang mismong si Pangulong Arroyo ang nadismaya sa performance ng nasabing mga opisyal.
Ang tanging pinuri ni GMA ay sina Chief Supt. Pedro Bulaong ng WPD at Chief Supt. Napoleon Castro ng Central Police District dahil sa matagumpay na anti-drug campaign ng mga ito. (Ulat ni Rudy Andal)