^

Metro

Bank holdap: Teller, guard sugatan

-
Dalawa katao ang malubhang nasugatan sa bank holdap na naganap kamakalawa sa Makati City.

Kapwa nilalapatan ng lunas sa Makati Medical Center ang mga biktima na sina Noli Velloria, bank teller at Michael Estampa, guwardiya, na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa kanilang katawan.

Samantala, mabilis na tumakas ang tatlong hindi pa nakikilalang mga suspect lulan ng isang taxi na walang plaka tangay ang apat na bag ng pera na hindi pa mabatid ang halaga.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa isang sangay ng East West Bank na matatagpuan sa Sen. Gil Puyat Ave., Makati City.

Abala si Velloria sa paglalagay sa mga nakolektang pera buhat sa kanilang kostumer sa loob ng deposit vault nang sumulpot ang tatlong suspect na armado ng mga baril hanggang sa magdeklara ng holdap.

Agad na pinaputukan ng isa sa mga suspect si Velloria at gumanti naman ng putok si Estampa ngunit minalas na hindi pumutok ang hawak nitong shotgun.

Gumanti rin ng putok ang mga suspect at tinamaan ang dalawa.

Dahil dito matagumpay na nadala ng mga suspect ang apat na bag ng pera.

Patuloy naman ang isinasagawang follow-up investigation ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ABALA

EAST WEST BANK

GIL PUYAT AVE

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

MICHAEL ESTAMPA

NOLI VELLORIA

VELLORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with