^

Metro

Financier ng multi-billion shabu lab arestado

-
Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang Chinese national na itinuturing na financier ng isang multi-billion shabu laboratory sa isinagawang operasyon kahapon ng madaling- araw sa Pasay City.

Nakilala ang nasakoteng suspect na si Eric Tan, sinasabing financier ng multi-billion clandestine shabu lab sa Mt. Industrial Subdivision sa Carmona, Cavite na magugunitang sinalakay ng mga awtoridad noong Agosto 19, 2003.

Ang suspect ay gumagamit ng mga alyas na Tony Sy Go; Kevin Tan; Calvin Tan; William Ang; Roy Tan; Patrick Hao at Joey Ng.

Nasakote ang suspect makaraang lusubin ng mga awtoridad ang pinagkukutaan nito sa Park Avenue sa panulukan ng Capt. Ambo at Barangay 79 Zone 10, Pasay City dakong alas-2:30 ng madaling-araw.

Ang raid ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Eduardo Israel Tanguanco, executive judge ng RTC Branch 89 ng Bacoor, Cavite.

Nabatid na matapos ang matagumpay na pagkakanlansag sa multi-bilyong clandestine laboratory ay hindi na tumigil ang mga awtoridad sa pagsasagawa ng operasyon laban sa suspect.

Magugunita na umaabot sa 360.5 kilo ng shabu ang nasamsam sa nasabing shabu laboratory maliban pa sa nakuhang mga sangkap at kagamitang ginagamit sa pagma-manufacture ng shabu na nagkakahalaga ng P.7 bilyon. (Ulat ni Joy Cantos)

CALVIN TAN

CAVITE

ERIC TAN

JOEY NG

JOY CANTOS

JUDGE EDUARDO ISRAEL TANGUANCO

KEVIN TAN

MT. INDUSTRIAL SUBDIVISION

PARK AVENUE

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with