2 paslit sugatan sa gumuhong pader
November 10, 2003 | 12:00am
Dalawang kindergarten pupil ang nasugatan matapos na aksidenteng mabagsakan ang mga ito ng gumuhong pader ng De La Salle University (DLSU) sa Malate, Manila kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang mga biktima na sina Lesli Selmar, 5 taong gulang at Cindy Pangilinan, 7-anyos; pawang residente ng #2172 F. Reyes St., Malate, Manila.
Ang mga biktima ay kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Maynila.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Western Police District (WPD) na buong katawan ni Selmar ang nadaganan ng bato samantalang si Pangilinan ay sa bahagi ng paa.
Nabatid na kasalukuyang naglalaro kamakalawa ng hapon ang mga biktima malapit sa gilid ng isang pader ng JS Construction Firm sa loob ng nasabing unibersidad nang bigla na lamang gumuho ang isang malaking bahagi ng pader at aksidenteng nabagsakan ang mga bata.
Pinag-aaralan na ng mga awtoridad kung sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to frustrated homicide ang may-ari ng nasabing construction firm. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended