Sibilyan patay, 4 grabe sa road mishap
November 10, 2003 | 12:00am
Isa katao ang nasawi samantalang apat pa ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang sasakyan sa naganap na sakuna sa lansangan sa Muntinlupa City nitong linggo ng madaling araw.
Dead on arrival sa Muntinlupa Medical Center ang biktimang si Lorenzo San Miguel, nasa hustong gulang at nakatira sa # 48 St. Francis, JPA Subdivision, Brgy. Tunasan ng lungsod.
Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa nabanggit na pagamutan ang mga nasugatang biktima na sina Marvin Vino, 23; Carlos Waso, 28; Joseph Ramos, 35 at Vicente Baquian, 29 anyos.
Base sa imbestigasyon ni SPO1 Rey Abu, Officer-in-Charge Traffic Investigator ng Muntinlupa City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling araw sa kahabaan ng National Road, Brgy. Tunasan ng lungsod na ito.
Nabatid na kasalukuyang lulan sa minamanehong Toyota Revo ni San Miguel ang apat na biktima habang patungo sa north bound nang makabangga nito ang isang KIA-Pregio na may plaka namang DSX-809 na patungong south bound na minamaneho naman ni Aurora Sebastian ng Phase 2, Pacita Complex, San Pedro, Laguna.
Sa bilis umano ng pangyayari ay kapwa hindi nakontrol ng dalawang driver ang manibela ng kanilang mga sasakyan na humantong sa malagim na insidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended