^

Metro

Barangay hall tinangkang pasabugin

-
Tinangkang pasabugin ng hindi pa nakikilalang salarin ang isang barangay hall sa Caloocan City makaraang matagpuan ang isang Improvised Explosive Device (IED) na nakakonekta sa fuse box nito kahapon ng umaga.

Batay sa impormasyong nakalap mula sa mga kagawad ng Special Weapon and Tactics-Explosive Ordnance Division (SWAT-EOD) ng Caloocan City police, pasado alas-7 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang kanilang tanggapan mula sa isang Shirly Gauran, staff ng Brgy. 38 Zone 4 sa nasabing lungsod.

Nabatid na ang nasabing pampasabog ay nakitang nakakonekta sa fuse box sa loob ng nasabing barangay hall kung saan dalawang piraso ng 1.5 boltahe ng baterya na nakasabit sa isang 240 volt capacitor at mga piraso ng revister na sinasabing accessories ng pampasabog ang nakuha ng mga tauhan ng SWAT-EOD.

Napag-alaman na bagamat baterya lamang ang ginamit sa nakitang IED ay maaari nitong gawing abo ang buong barangay hall, maging ang bahay na nakapaligid dito dahil sa ang mga kurdon nito ay ikinabit sa fuse box na siyang dinadaanan ng kuryente.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad kung sino ang responsable sa insidente. (Ulat ni Jo Cagande)

BATAY

BRGY

CALOOCAN CITY

HANGGANG

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

JO CAGANDE

NABATID

NAPAG

SHIRLY GAURAN

SPECIAL WEAPON AND TACTICS-EXPLOSIVE ORDNANCE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with