Electrician nahuling nagnanakaw ng kuryente,binoga ng sekyu
November 9, 2003 | 12:00am
Isang electrician ang binaril at napatay ng isang guwardiya matapos itong mahuling nagnanakaw ng linya ng kuryente ng Meralco, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa.
Namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Rogelio Aguilos, 34, ng Sitio Pag-asa, Barangay Alabang, Muntinlupa sanhi ng tinamong tama ng bala ng shotgun sa ibat ibang bahagi ng katawan,
Kaagad namang tumakas ang di pa nakikilalang suspect matapos ang pamamaril.
Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6:40 ng gabi sa San Jose Subdivision sa nabanggit na lugar.
Nabatid na naaktuhan ng suspect na guwardiya ang biktima na nagnanakaw ng linya ng kuryente.
Mabilis itong sinita ng suspect, gayunman itinanggi ng biktima na nagnanakaw siya ng kuryente hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.
Dahil dito, nagalit ang suspect hanggang sa binaril at mapatay ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended