^

Metro

Sasakyan ni Gary V. kinarnap

-
Kinarnap ang sasakyan ng sikat na singer na si Gary Valenciano ng dalawang hindi pa nakikilalang mga lalaki sa harap mismo ng kanyang opisina, kamakalawa ng gabi sa San Juan, Metro Manila.

Ayon kay PO1 Samuel Fernandez, may hawak ng kaso, nakaparada ang kulay silver na Land Cruiser model ’92 ni Valenciano sa harap ng Genesis Entertainment Office sa may Greenhills Shopping Complex sa Ortigas Avenue sa San Juan nang bigla na lamang itong karnapin ng mga suspect.

Nabatid na nasa loob din ng opisina ang driver ni Valenciano na si John Estinoso nang marinig nitong umandar ang makina ng nasabing sasakyan.

Agad na lumabas ng opisina si Estinoso at natanawan nito ang papalayo nang sasakyan lulan ang dalawang lalaki.

Labis ang pagdaramdam ng singer dahil ang sasakyang ninakaw ang kauna-unahang dream car niya na kanyang nabili mula sa kinita niya sa pagkanta.

Ito ang pangalawang beses na ninakawan ng sasakyan ang tinaguriang Mr. Pure Energy. Ang una ay tatlong taon na ang nakakalipas sa Makati City. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

EDWIN BALASA

GARY VALENCIANO

GENESIS ENTERTAINMENT OFFICE

GREENHILLS SHOPPING COMPLEX

JOHN ESTINOSO

LAND CRUISER

MAKATI CITY

METRO MANILA

MR. PURE ENERGY

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with