Police colonel huli sa pangongotong
November 6, 2003 | 12:00am
Nahulog sa bitag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang police colonel na hepe sa Traffic Division ng Parañaque police makaraang mangotong ng halagang P32,000 sa isang vendor sa Baclaran, kamakalawa ng hapon sa nabanggit na lungsod.
Nahaharap ngayon sa kasong robbery-extortion ang suspect na si Supt. Rodolfo Salvador.
Si Salvador ay nahulog sa isinagawang entrapment ng NBI at dinakip habang binibilang ang P32,000 na hiningi nito sa complainant na nakilalang si Divina Custodio, 45.
Ayon sa sumbong ng biktima, hiningan umano siya ng nabanggit na opisyal ng nabanggit na halaga bilang umanoy protection money kung saan pumayag namang magbigay ang babae.
Binanggit pa ng biktima na nagawa na niyang magsumbong sa NBI dahil sa makailang ulit na siyang hiningan ng pera ni Salvador.
Dakong alas-2:00 ng hapon nang masorpresa si Salvador ng mga ahente ng NBI sa kanyang tanggapan sa aktong binibilang ang perang galing sa biktima.
Agad namang sinibak sa kanyang puwesto si Salvador at pansamantalang pinalitan ni Chief Inspector Joselito Binoobra. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 25, 2024 - 12:00am