Kotse, tricycle sinuwag ng truck: 1 patay,8 sugatan
November 5, 2003 | 12:00am
Isang tricycle driver ang iniulat na nasawi, samantalang walong katao naman ang nasugatan sa isa na namang trahedya sa lansangan nang suwagin ng isang ten wheeler truck ang kotse at isang tricycle, kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Pasig.
Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente makaraang maipit ang katawan ng tricycle driver na si Joselito Dones, habang nasa malubhang kalagayan naman sa Pasig City General Hospital ang mga sugatang sina Mariz Lumakana, 16; Roy Bolasito, 22; Christopher Toquero, 23; Celestino Bosano; 26; Malou Gabriel, 38; ang mag-asawang sina Enrico at Maria Cecilia Tanghal at William Virsua, 50.
Nakilala naman ang suspect na si Jaime Pangilinan, 32, ng Visitacion St., San Joaquin, Pasig City na driver ng ten wheeler Isuzu cargo truck na may plakang NJZ 736.
Sa ulat ng traffic division ng Pasig City Police naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa kahabaan ng C. Raymundo sa kanto ng Villa Upeng sa Barangay Sagad ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na nawalan ng preno ang trak at bumangga sa kotseng Gemini bago sumalpok sa tricycle na minamaneho ni Dones.
Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple serious physical injuries ang driver na si Pangilinan. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am