^

Metro

Building permit ng Globe Asiatique,sinuspinde

-
Sinuspinde kahapon ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos Jr. ang building permit ng isang construction firm kung saan nahulog ang isang jeep noong Sabado na ikinasawi ng siyam katao at ikinasugat ng limang iba pa.

Ayon kay Abalos, ang suspensyon ay ipinatupad upang bigyang daan ang isang imbestigasyon kung may pananagutan ba ang gumagawa ng 30-palapag na Globe Asiatique building na nasa kanto ng Pinatubo St. at EDSA.

Inutusan din ni Abalos si Conrad Anciado, hepe ng city engineering office na siyang manguna sa pag-iimbestiga.

Samantala, pagkakalooban ni Abalos ng P20,000 financial assistance ang mga naging biktima sa trahedya.

Magugunitang papauwi na ang mga biktima sa Muntinlupa galing sa isang religious activity ng Born Again sa Cubao, Quezon City nang mawalan ng preno ang kanilang sinasakyang jeepney dakong alas-8:30 ng gabi noong Sabado.

Bumangga ang jeep sa bakod ng ginagawang gusali at tuloy-tuloy na nahulog sa 70 talampakang hukay. (Ulat ni Edwin Balasa)

ABALOS

AYON

BORN AGAIN

CONRAD ANCIADO

EDWIN BALASA

GLOBE ASIATIQUE

MANDALUYONG CITY MAYOR BENHUR ABALOS JR.

PINATUBO ST.

QUEZON CITY

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with