^

Metro

Bitay sa amang rapist

-
Hinatulan ng parusang kamatayan ng Mandaluyong City Regional Trial Court ang isang ama na gumahasa sa kanyang 13-anyos na anak sa loob ng kanilang bahay dalawang taon na ang nakakaraan sa lungsod ng Mandaluyong.

Si Felix Orto ay pinatawan ng bitay ni MCRTC Judge Japar de Maanpao bukod pa sa pagbabayad ng halagang P150,000 para sa moral at civil damages sa biktima na itinago sa pangalang Nancy, 13.

Batay sa rekord ng korte, naganap ang panghahalay ng suspect sa kanyang anak noong Abril 3, 2001 sa loob mismo ng kanilang bahay sa Kalbayog St. sa Mandaluyong City dakong alas-9 ng umaga.

Isinagawa umano ni Orto ang panghahalay sa biktima nang iwan ito ng kanyang ina na nagtungo sa palengke.

Bagama’t tinakot ni Orto ang biktima, nagawa pa ring isumbong ng huli ang ginawa ng una na pinatunayan naman sa resulta ng medico legal na positibong ginalaw ang biktima. (Ulat ni Edwin Balasa)

ABRIL

BAGAMA

BATAY

EDWIN BALASA

JUDGE JAPAR

KALBAYOG ST.

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY REGIONAL TRIAL COURT

ORTO

SI FELIX ORTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with