^

Metro

5 patay, 3 sugatan sa cement mixer

-
Limang katao ang kumpirmadong namatay samantalang tatlo naman ang malubhang nasugatan makaraang madaganan ng cement mixer na nawalan ng preno kahapon ng tanghali sa Pasig City.

Nasawi noon din ang mga biktimang sina Amorcel Santos, asawang si Rondina at anak na si Patrick Santos, 7, habang inaalam pa ang mga pangalan ng isa pang teenager at ng taxi driver na kanilang sinasakyan.

Ginagamot naman sa Pasig City General Hospital ang tatlong sugatan na sina Kaye, 11, at Kimberly Santos, 5, at driver ng trak na si Romeo Maltos, 29. Nagtamo ang mga biktima ng bali ng buto sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Lumilitaw sa imbestigasyon na binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Amang Rodriguez Blvd. sa Brgy. Rosario sakay ng puting taxi na may plakang PWJ-756 nang biglang sumulpot ang cement mixer na minamaneho ni Maltos.

Nawalan ito ng preno hanggang sa bumangga sa isang poste ng Meralco hanggang sa tuluyang bumagsak sa nasabing taxi.

Nabatid na puno ng semento ang nasabing mixer na pag-aari ng Exan Builders at nakatakda sanang dalhin sa Brgy. Wack-Wack sa Mandaluyong City.

Tumagal ng dalawang oras ang pagrescue sa mga biktima na ginamitan ng crane ng mga tauhan ng MMDA. (Ulat ni Edwin Balasa)

AMANG RODRIGUEZ BLVD

AMORCEL SANTOS

BRGY

EDWIN BALASA

EXAN BUILDERS

KIMBERLY SANTOS

MANDALUYONG CITY

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

PATRICK SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with