2 guwapings wanted sa pagpatay sa acct. manager
October 30, 2003 | 12:00am
Pinaghahanap ngayon ng mga tauhan ng Central Police District (CPD) ang dalawang matitipuno at guwaping na kalalakihan na huling nakitang kasama ng natagpuang bangkay ng isang account executive kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Rodrigo Barrameda ng CPD-Criminal Investigation Unit, ang bangkay ng biktimang si Carl Roman Santos, 28, account manager Collective Access Company ay natagpuang patay dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa loob mismo ng kanyang bahay sa 52-E Matahimik St. Brgy. UP Teacherss Village West, ng nabanggit ding lungsod. Nagtamo ito ng sampung malalalim na saksak ng patalim sa katawan.
Ang dalawang guwaping na suspect ay may taas na 53 hanggang 55 nasa edad na 20-25.
Sa pahayag ni Martin Anastacio, houseboy ng biktima, nagulat na lamang siya nang makitang may mga bakas ng dugo sa daanan patungo sa comfort room.
Sinundan ni Anastacio ang bakas ng dugo hanggang sa umabot sa kuwarto ni Santos. Dahil dito, kinatok ni Anastacio ang kuwarto ng biktima subalit hindi ito sumasagot kung kayat napilitan siyang puwersahing buksan ang pinto.
Nabatid na nakita pa ang biktimang kumakain sa Dannys Grill sa Timog Ave. noong Martes ng gabi kasama ang dalawang lalaki bago maganap ang karumal-dumal na krimen. (Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended