^

Metro

Bulacan governor, ama kinasuhan ng P17-M sa Ombudsman

-
Ipinagharap ng kasong graft sa Office of the Ombudsman si Bulacan Governor Josie dela Cruz kaugnay ng pagbibigay nito ng pabor sa korporasyon ng kanyang pamilya para sa pagbili ng mga sasakyan ng pamahalaang panlalawigan na nagkakahalaga ng mahigit na P17 milyon.

Sa apat na pahinang demanda na isinumite nina Demetrio Alday at Lamberto Santos, kapwa kinatawan ng Bulakenyo para sa Mabuting Gobyerno at Kaunlaran (Bumago Ka), sinampahan din ng kaso ang ama ng gobernador na si Jose Mendoza; kapatid na board member na si Joselito Mendoza at hipag na si Violeta Mendoza, treasurer.

Nabatid na bukod sa pagiging malapit na kamag-anak sinabi ng Bumago Ka na ang mga ito ay opisyal din ng Freeway Motor Sales of Baliwag Corporation na matatagpuan sa Doña Remedios Trinidad Highway, Baliwag ang kompanyang nakakasakop sa kontrata para sa pagbili ng 26 na sasakyan ng naturang lalawigan na umano’y umaabot sa halagang P17,978,210.00.

Kabilang din sa mga idinemanda ang iba pang incorporators ng Freeway na sina Marcelino Veneracion, Jr.; Benjamin Veneracion; Kristine Lazaro at Marbel Cantero.

Ayon sa Bumago Ka officers, bukod sa kawalan ng public bidding lantaran ding pinaboran ni dela Cruz ang korporasyon na kinaaaniban ng kanyang pamilya na umano’y lantarang paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at RA 6713. (Ulat ni Doris M. Franche)

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

BENJAMIN VENERACION

BULACAN GOVERNOR JOSIE

BUMAGO KA

CRUZ

DEMETRIO ALDAY

DORIS M

FREEWAY MOTOR SALES OF BALIWAG CORPORATION

JOSE MENDOZA

JOSELITO MENDOZA

KRISTINE LAZARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with