Misis at t-bird na lover caught in the act ni mister

Ipinaaresto ng isang 34-anyos na mister ang kanyang misis at sinasabing kalaguyo nitong tomboy matapos na maaktuhan nito ang dalawa na kapwa hubo’t hubad na nagtatalik sa kanilang kwarto, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kaugnay nito, personal na inireklamo ni Eric Gabriel, obrero, residente ng Lot 19, Blk. 1, Javier Compound, Santan St., Brgy. Parang ng nabanggit na lungsod ang asawa nitong si Conchita, 34-anyos at umano’y kalaguyo nitong tomboy na kinilalang si Rodora Limaso, 27-anyos na nangungupahan sa kanilang bahay.

Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:50 sa loob mismo ng kwarto ng mag-asawa sa nabanggit na lugar.

Nabatid na kakauwi lamang ng lalaki sa kanilang bahay galing sa kanyang trabaho nang makarinig ito ng ungol buhat sa loob ng kanilang kwarto at nang silipin niya umano ito ay tumambad sa kanyang paningin ang hubo’t hubad at nagtatalik na si Conchita at Rodora.

Hindi na muna pinasok ng lalaki ang dalawa sa halip ay agad na tumungo ito sa kanilang barangay hall at sumundo ng mga tanod at agad na binalikan ang dalawa at inaresto sa aktong nagtatalik.

Sa kasalukuyan ay nakaditene na sa Marikina Police detention cell ang misis nito at ang lover na tomboy habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanila. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments