^

Metro

Pulis patay sa holdap

-
Isang sarhento ng Valenzuela police ang iniulat na nasawi matapos na paulanan ng bala ng baril ng apat na holdaper kabilang ang isang babae na nangholdap sa kanya, kahapon ng umaga sa nabanggit na lungsod.

Hindi na umabot pang buhay makaraang isugod sa Valenzule General Hospital si SPO1 Daniel Aguinaldo Jr. nakatalaga sa Valenzuela City Metropolitan Trial Court dahil sa tinamong maraming tama ng bala ng baril sa katawan.

Bukod dito, sugatan din ang kapatid ng pulis na si Ronnie na kasama nito ng maganap ang panghoholdap.

Base sa ulat, kasalukuyang binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Tatalon St., Barangay Ugong, Valenzuela City lulan ng isang Toyota Corolla na may plakang UHJ-402 nang harangin ng mga suspect na lulan naman sa motorsiklo.

Walang sabi-sabing pinaulanan ng putok ng baril ang sinasakyan ng pulis at nang matiyak na patay na ito ay tinangay ang P200,000 dalang pera na umano’y pampasuweldo sa mga empleyado sa AS manpower company.

Patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation laban sa mga suspect. (Ulat nina Ricky Tulipat at Jo Cagande)

vuukle comment

BARANGAY UGONG

BUKOD

DANIEL AGUINALDO JR.

JO CAGANDE

RICKY TULIPAT

TATALON ST.

TOYOTA COROLLA

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY METROPOLITAN TRIAL COURT

VALENZULE GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with