^

Metro

3 tiklo sa swindling

-
Tatlo katao ang dinakip ng mga awtoridad sa isang entrapment operation matapos na madiskubreng walang lamang pera ang kanilang credit card na ginamit sa pagbayad sa may P201,870 halaga ng alahas sa isang sanglaan, kamakalawa sa lungsod ng Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Arde Salariosa, 20; Emmanuel Lagrima, 21 at Catherine Cruz, 33.

Dinakip ang tatlo matapos na magreklamo si Flor Maldogo, 29, appraiser ng Family Pawnshop na nasa Paterno St., Quiapo.

Sa ulat ng pulisya, naaresto ang mga suspect dakong alas-5 ng hapon sa loob ng naturang sanglaan.

Nauna rito nagtungo ang tatlong suspect sa pawnshop kung saan nagpakilala si Cruz sa pangalang Maria Theresa Rapista kasama ang isa pang suspect na nagpakilalang si Mimi Co at nagsabing interesado sa pagbili ng mga alahas na naka-auction sale.

Umabot sa halagang P201,870 ang kabuuang halaga ng mga alahas na napili ng tatlo sa sanglaan at sinabing babayaran nila ito sa pamamagitan ng Bankard credit card ni Co.

Habang inaayos ni Maldogo ang mga dokumento, isang nagpakilalang empleyado ng Equitable PCI Bank ang dumating sa naturang sanglaan at sinabing may malaking credit line si Co kaya napapapayag ang sanglaan na i-release ang mga alahas.

Isang item ng mga alahas naman ang naiwan ng mga suspect kung saan itinawag ni Maldogo kay Co na nagsabing magpapadala na lamang siya ng mga tao roon para kunin ito.

Dito naman nadiskubre ng naturang sanglaan sa ginawa nilang beripikasyon na walang lamang pondo ang credit card ni Co kaya agad na humingi ng saklolo sa pulisya na siyang nagsagawa ng entrapment operation at nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong suspect.

Isinasailalim ngayon ang mga suspect sa interogasyon upang maituro kung nasaan si Co habang inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

ARDE SALARIOSA

CATHERINE CRUZ

DANILO GARCIA

EMMANUEL LAGRIMA

FAMILY PAWNSHOP

FLOR MALDOGO

MALDOGO

MARIA THERESA RAPISTA

MIMI CO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with