^

Metro

Aircon technician patay sa duwelo

-
Sa tapat ng isang simbahan nagtapos ang buhay ng isang aircon technician matapos na matalo sa pakikipag-duwelo sa isa niyang kainuman nang pumalpak ang dala niyang sumpak, kamakalawa ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Jonathan Anasco, 29, ng Honorio Lopez Boulevard, Balut, Tondo.

Isang manhunt operation naman ang inilunsad ng pulisya laban sa tumakas na suspect na nakilalang si Paul Dayuno, 28.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling- araw sa tapat ng simbahan ng San Roque sa naturang lugar.

Kapwa bisita sa isang birthday party ang biktima at suspect at dahil sa nakaubos na ang grupo nito ng isang case ng beer ay nagsimula nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa.

Umuwi ang biktima at sa pagbalik ay may dala na itong sumpak, subalit hindi pa ito nakakarating sa umpukan ng inuman ay sinalubong na ito ng suspect na si Dayuno at ng magkaharap ay halos sabay na nagtutukan at nagpaputok ng baril.

Gayunman, minalas naman ang biktima dahil sa hindi pumutok ang dala nitong sumpak.

Mabilis na tumakas ang suspect matapos ang isinagawang pagpaslang sa biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DAYUNO

GAYUNMAN

HONORIO LOPEZ BOULEVARD

ISANG

JONATHAN ANASCO

KAPWA

MABILIS

PAUL DAYUNO

SAN ROQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with