^

Metro

Bomba nahukay sa UP-Manila

-
Masuwerteng hindi sumabog ang isang bomba na ginamit pa noong World War II matapos na bahagyang tamaan ng piko ng isa sa mga trabahador na naghuhukay sa loob ng University of the Philippines-Manila, kahapon ng umaga.

Nabatid na nahukay ang may anim na pulgadang 81mm vintage bomb dakong alas-8 ng umaga sa loob ng UP Manila sa may Padre Paura, Malate.

Nagsasagawa ng paghuhukay para sa konstruksyon ng access ramp para sa mga disable ang mga trabahador sa Annex Bldg. ng College of Medicine nang aksidenteng mapiko ito ng construction worker na si Nonoy.

Agad namang ipinagbigay-alam ng mga trabahador sa pulisya ang insidente kung saan mabilis na rumesponde ang mga elemento ng WPD-Explosive and Ordnance Division.

Nasa pangangalaga na ng EOD ang naturang bomba kung saan pinag-iingat nila ang mga trabahador sa ginagawang paghuhukay dahil sa maaaring may iba pang bombang nakabaon at maaaring sumabog kung ito ay mapiko nang husto. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANNEX BLDG

COLLEGE OF MEDICINE

DANILO GARCIA

EXPLOSIVE AND ORDNANCE DIVISION

MASUWERTENG

NABATID

PADRE PAURA

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES-MANILA

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with