^

Metro

Armory ng 'Magdalo Group' sinalakay

-
Isa pang hinihinalang armory ng ‘Magdalo Group’ ang nadiskubre ng mga elemento ng Western Police District (WPD) kung saan nakumpiska buhat dito ang sari-saring matataas na uri ng kalibre ng baril at mga bala maging ang mga armband at watawat ng nagrebeldeng mga sundalo, kamakalawa ng gabi sa Paco, Maynila.

Nakilala buhat sa kanyang identification card ang suspect na si Reserved Captain Leonardo Sen, ng Philippine Reserve Command, ang nadakip ng mga awtoridad matapos ang maikling palitan ng putok.

Nadakip din ang kanyang mga kasamahan sa loob ng naturang kuwarto na nakilalang sina Reynaldo Llanas, 27, binata, driver; Edward Reyes, 29; kapwa ng 95th Village, Cainta, Rizal; Jay de Guzman, 38, codo caretaker; Pia Ragonron, 18, at Daniela Santos, 23, kapwa ng Bago Bantay, Quezon City.

Nagtungo naman sa WPD-Headquarters si PNP Chief Director General Hermogenes Ebdane at ininspeksyon ang mga nakumpiskang matataas na uri ng baril tulad ng kinatay na M-16 rifles, M-14 US rifle na may teleskopyo, dalawang kalibre .22, siyam na handguns, libu-libong rounds ng mga bala at communication equipments.

Sinabi ni Ebdane na may malaking posibilidad na may koneksyon ang naarestong grupo sa ‘Magdalo group’ matapos na makuha rin sa loob ng naturang bahay ang mga armband at bandila na kanilang ginamit sa Oakwood mutiny.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na nagsumbong ang mga residente ng Paz St., Paco, Maynila sa WPD-Station 5 dakong alas-12:50 ng madaling-araw ukol sa walang habas na pagpapaputok ng baril ni Sen sa naturang lugar.

Hindi pa nakakarating ang mga pulis sa tinutuluyan nito sa LTS Bldg. condominium nang paputukan sila ng suspect buhat sa ikatlong palapag. Agad namang humingi ng back-up ang mga pulis sa Special Weapons and Tactics (SWAT) unit.

Dito nakipagpalitan ng putok ang mga pulis sa suspect hanggang sa puwersahan nilang makubkob at mapasok ang inuupahang kuwarto ng mga suspect.

Bumulaga sa mga awtoridad ang naturang mga matataas na kalibre ng baril at mga bala na walang kaukulang papeles.

Ayon naman kay Sen, mga souvenir lamang umano niya sa Philippine Marines ang naturang mga armband at bandila at wala umano siyang kaugnayan sa Magdalo group.

Kasalukuyan namang isinasailalim pa sa masusing interogasyon ang mga nadakip na suspect at inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanila. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BAGO BANTAY

CHIEF DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE

DANIELA SANTOS

DANILO GARCIA

EDWARD REYES

MAGDALO

MAGDALO GROUP

MAYNILA

PAZ ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with