Bagitong pulis, 1 pa huli sa drug bust
October 22, 2003 | 12:00am
Bumagsak sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang bagitong pulis at isa pang sibilyan na nagresulta sa pagkakasamsam ng mahigit kalahating milyong shabu sa isinagawang drug bust operations sa Makati City.
Ang mga naaresto ay nakilalang si PO1 Arsad Mababaya, residente ng Block 1777, Lot 15, IRM Road, Maharlika Village at Abdultaha Ali ng #25 Brgy. Maharlika; pawang sa Taguig, Metro Manila. Sinabi ni Avenido na ang nasabing pulis ay nasakote kamakalawa bandang alas-9:30 ng gabi sa kahabaan ng Urban Avenue, Pasong Tamo, Makati City.
Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga suspect ang 285.4840 gramo ng shabu na umaabot sa halagang P570.986 milyon. Nakuha rin mula sa pag-iingat ni Mababaya ang isang 9mm Pietro Beretta pistol model 92FS na inisyu rito ng PNP at isang magazine na may lamang sampung bala. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended