Bank robbers nabigo dahil sa tumunog na alarma
October 22, 2003 | 12:00am
Nabigong makakuha ng kahit singko sentimos ang isang grupo ng bank robbers makaraang tumunog ang alarma sa pintuan ng pinasok nilang banko kahapon ng madaling-araw sa San Juan, MM.
Dumating ang mga elemento ng Scene of the Crime Operatives upang kunin ang mga naiwang fingerprints sa salaming pintuan ng Asia Trust Bank na matatagpuan sa ground floor ng Quidrillon Mansion Bldg., kanto ng N. Domingo at Paterno Sts., Brgy. Pasadeña, San Juan. Hindi pa batid ng pulisya kung ilan ang mga suspect na nagbalak manloob sa nasabing banko.
Nabatid na kasalukuyang nagroronda ang nag-iisang security guard ng nasabing building nang biglang sumirena ang alarma ng banko dakong ala-1:35 ng madaling-araw. Nabatid na walang sariling sekyu ang nasabing banko at iisa lang ang nagpapatrulyang guwardiya sa buong establisimiyento.
Kaagad na humingi ng responde sa pulisya ang nasabing sekyu subalit wala na ang mga suspect nang dumating ang mga pulis. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended