^

Metro

Restaurant hinoldap ng Resto Gang

-
Muli na namang sumalakay ang notoryos na grupong ‘Resto Gang’ kung saan isa na namang restaurant ang biniktima ng mga ito, kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Base sa ulat, dakong alas-12:20 nang pasukin ng anim na mga kabataan na pawang armado ng mga patalim at baril ang Bacolod Inasal na makikita sa #9731 Kamagong St., Brgy. San Antonio Village ng nabanggit na lungsod.

Nabatid sa kahera ng nasabing restaurant na si Marivic Singabol, 25-anyos na papasara na umano sila kung saan may mangilan-ngilan pang mga kumakain na kustomer sa loob, nang paisa-isang pumasok ang mga nasabing suspect sa nasabing restaurant.

Sinabi pa nito na isa umano sa anim na mga suspect ay nagpaiwan sa labas na nagsilbing look-out at driver ng kanilang get-away car na isang kulay puti na taxi na may plakang PYY-774.

Sa loob naman ng restaurant ay bigla na lamang nagdeklara ng holdap ang lima sa mga suspect kung saan tinutukan ng mga ito ng mga patalim at baril ang mga kumakain na kostumer sabay limas sa mga pera at alahas ng mga ito.

Batay na rin sa ulat, kasamang nilimas ng mga suspect ang kaha ng restaurant kung saan ay tinangay ng mga ito ang halagang P13,000 na kinita ng nasabing restaurant sa maghapon.

Sa kasalukuyan ay isang manhunt operation ang isinasagawa ng pulisya para sa agarang ikadarakip ng mga suspect na pinaniniwalaang mga miyembro ng ‘Resto Gang’. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BACOLOD INASAL

BATAY

BRGY

KAMAGONG ST.

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MARIVIC SINGABOL

RESTO GANG

SAN ANTONIO VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with