^

Metro

Raliyista hindi nakaporma sa kanilang kilos-protesta vs. Bush

-
Hindi nakaporma ang libu-libong mga raliyista buhat sa iba’t ibang militanteng grupo sa higpit ng seguridad na ibinigay ng mga awtoridad kaugnay sa isinagawang pagbisita sa bansa ni US President George Bush.

Sa pangkalahatang sitwasyon, naging matagumpay at maayos ang isinagawang pagbisita ng American president.

Noong umaga lamang naranasan ang matinding trapik sa Eliptical Road sa Quezon City makaraang kordonan na ng mga kagawad ng pulisya ang lugar para hindi na papormahin pa ang mga raliyista .

Bagamat nagkaroon ng ilan-ilang insidente ng iringan sa magkabilang panig, nabatid na mabilis naman itong naisaayos.

Maaga ring idineklara ng pamunuan ng PNP na ‘generally’ peaceful’ ang kaganapan sa pagbisita ni Bush.

Sinabi naman ni Teddy Casino, ng BAYAN na aabot sa 15, 000 katao ang nakiisa sa isinagawa nilang rali na nagtipun-tipon sa Batasan Complex kung saan ay hindi umubra o naipairal ng pulisya ang sinasabing ‘ no permit, no rally policy’ laban sa mga ito.

Hindi rin nagpapigil ang mga ito sa ginawa nilang panununog sa mga bandila ng Amerika.

Hindi rin naman nagpahuli ang grupong pabor sa pagbisita ni Pangulong Bush, kung saan marami rin ang nakiisa sa pagwagayway naman ng bandila ng US sa mga lugar na dinaanan ng convoy ni Bush. (Ulat ng PSN Reportorial Team)

vuukle comment

AMERIKA

BAGAMAT

BATASAN COMPLEX

ELIPTICAL ROAD

PANGULONG BUSH

PRESIDENT GEORGE BUSH

QUEZON CITY

REPORTORIAL TEAM

TEDDY CASINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with