^

Metro

Pulis kinaladkad ng hinuhuling driver

-
Kritikal sa pagamutan ang isang pulis-trapiko nang magkalasug-lasog ang mga buto nito matapos kaladkarin ng isang rumaragasang Tamaraw FX na umano’y hinuli ng una dahil sa paglabag sa batas trapiko, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Manila Central University Hospital ang biktimang si PO3 Edgar Quintos, nakatalaga sa Caloocan City Traffic Enforcement Group.

Arestado naman ang suspect na nakilalang si Manuel Sy, 31, ng Nadurata, Caloocan City habang pinaghahanap pa ang kapatid nitong si Manolito na mabilis na nakatakas matapos ang pangyayari.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa panulukan ng Benin St. at EDSA sa nabanggit na lungsod.

Una umanong hinuli ng biktima ang lasing na magkapatid dahil sa paglabag sa batas trapiko at nang inaabot na ng una ang Traffic Violation Receipt (TVR) ay agad na pinaandar ni Manuel ang Tamaraw FX na may plakang XJS-247.

Ayon pa sa ulat, hawak ni Manolito ang kamay ng biktima habang tumatakbo ang sasakyan ng magkapatid na naging dahilan upang makaladkad ito ng halos 50 metro.

Nang mabitiwan ni Manolito ang kamay ng biktima ay saka lamang lumagpak ang katawan nito sa kalsada.

Mabilis na isinugod ng mga bystander sa pagamutan ang pulis.

Pinagsalikupan naman si Manuel ng mga nakasaksi habang mabilis na nakatakas ang kapatid nitong si Manolito na pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad. (Ulat ni Rose Tamayo)

BENIN ST.

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY TRAFFIC ENFORCEMENT GROUP

EDGAR QUINTOS

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

MANOLITO

MANUEL

MANUEL SY

ROSE TAMAYO

TAMARAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with