Kaugnay nito, sinabi kahapon ni P/Supt. Raul Medina, hepe ng CIU-CPD na ilang araw pa ay madarakip na ang mga naturang suspect na pumatay kina Sixto Subido, 75; asawang si Fulgencia, 71; anak na si Teresa, 43; pamangking si Alfredo, 47, at ang katulong na si Selsa.
Base sa nakalap na impormasyon, lumalabas na awayan sa lupa ang pinag-ugatan ng brutal na pagpaslang sa mga biktima makaraang kumpirmahin ng mga kaanak ng mga ito na may pag-aaring lupa sa Binluan, Pangasinan si Sixto na may tanim na mangga.
Lumalabas na ipinagkatiwala ni Sixto ang nasabing lupain sa isang malapit na kamag-anak na si Nestor Dique subalit nagkaroon umano ng alitan ang mga ito nang kamkamin ng huli ang pag-aaring lupain ni Sixto.
Noong nakaraang Setyembre, nagtungo umano si Sixto sa kanilang lalawigan upang kumprontahin si Nestor subalit nang makabalik umano ito ay parang bulang biglang naglaho si Nestor at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakikita ng kanyang pamilya at mga kamag-anak. (Doris Franche)