^

Metro

Imbestigasyon sa pag-ambus sa BIR official pinamamadali ni GMA

-
Ipinag-utos kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Philippine National Police (PNP) na busisiing mabuti ang kaso nang pagkapaslang kay Atty. Armando Rosimo, chief ng tax fraud division ng BIR.

Bagamat wala pang konkretong motibo na nakukuha ang pulisya sa pagkapaslang dito, malaki ang paniwala na may kinalaman ito sa mga sensitibong kaso na hinahawakan ng biktima.

Magugunitang isa nga sa hawak ng tanggapan nito ay ang makontrobersiyal na tax liability ni Jose Pidal.

Kasabay nito, nagpaabot ang Pangulo ng kanyang pakikidalamhati sa mga naulila ni Rosimo.

Magugunitang inambus at napatay ang naturang BIR official kamakalawa ng umaga ilang metro lang ang layo buhat sa kanyang tirahan sa Project 6, Quezon City.

"Gusto kong tuklasin ng mga awtoridad ang tunay na motibo ng pagpaslang na ito at tugisin at lapatan ng parusa ang mga nasa likod ng krimen", dagdag pa ng Pangulo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

ARMANDO ROSIMO

BAGAMAT

IPINAG

JOSE PIDAL

LILIA TOLENTINO

MAGUGUNITANG

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with