^

Metro

Sekyu patay sa holdap

-
Isang 34-anyos na security guard ang iniulat na nasawi, habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang salakayin at holdapin ng apat na armadong kalalakihan ang Nova Mall, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Namatay noon din ang biktimang nakilalang si Dedito Florez, security guard ng Mandarin Security Agency nakatalagang escort ng Asia Trust Bank (ATB), sanhi ng tinamo nitong dalawang tama ng bala ng baril sa ulo.

Kasalukuyan namang inoobserbahan sa intensive care unit (ICU) ng Novaliches Hospital ang hindi pa nakikilalang staff ng isang food chain na minalas na tinamaan ng ligaw na bala nang ratratin ng mga suspect ang nasabing sekyu.

Base sa ulat, dakong alas-9 ng umaga ng maganap ang insidente sa loob mismo ng nasabing mall sa bayan ng Novaliches.

Nabatid na galing sa ikalawang palapag ng mall ang dalawang teller ng ATB na sina Rolando Alinggot at Andy Portia dala ang dalawang duffle bag na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga ng pera na kinita ng Nova Mall kung saan kasama ng mga ito ang biktimang si Florez na nagsilbing escort.

Nang makababa ay hindi inaasahan ng mga ito na may apat na armadong kalalakihan na sadyang nag-abang sa kanila kung saan ay bigla na lamang nagpaulan ng putok ng baril ang mga ito at nasapul agad ang sekyu na si Florez.

Matapos makuha ang dalawang bag ng pera ay mabilis na itong nagsitakas sakay ng dalawang motorsiklo na parehong walang plaka.

Patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation ng mga kagawad ng CPD hinggil dito. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ANDY PORTIA

ASIA TRUST BANK

DEDITO FLOREZ

FLOREZ

MANDARIN SECURITY AGENCY

NOVA MALL

NOVALICHES HOSPITAL

QUEZON CITY

ROLANDO ALINGGOT

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with