^

Metro

Bitay hatol sa amang humalay ng anak

-
Parusang kamatayan ang hatol ng korte sa isang ama na napatunayang gumahasa sa kanyang 14-anyos na anak, limang buwan na ang nakakalipas sa Taguig, Metro Manila.

Sa sampung pahinang desisyon ni Judge Lorefel Pahimna ng Pasig City Regional Trial Court Branch 69, bukod sa hatol na bitay pinagbabayad din nito ang akusadong si Roberto Aguilar ng halagang P125,000 para sa moral at civil damages sa biktima.

Kahit na nagpahayag ng ‘guilty plea’ ang akusado sa arraignment ng kaso, kamatayan pa rin ang hinatol dito dahil na rin sa menor-de-edad at kapamilya nito ang naging biktima.

Sa rekord ng korte, naganap ang insidente noong Mayo 4 taong kasalukuyan habang natutulog ang biktima kasama ang kanyang nakakabatang kapatid sa kanilang bahay sa Taguig nang maramdaman nito na may naghuhubad sa kanyang damit.

Nang dumilat siya ay nakita niya ang kanyang ama na noon ay nakasuot na lamang ng shorts.

Sisigaw pa sana ang biktima subalit mabilis na tinakpan ng akusado ang kanyang bibig at tinakot na papatayin kapag nag-ingay. Dahil dito, naipagtagumpay ng akusado ang panghahalay sa sariling anak. (Ulat ni Edwin Balasa)

DAHIL

EDWIN BALASA

JUDGE LOREFEL PAHIMNA

KAHIT

METRO MANILA

NANG

PARUSANG

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

ROBERTO AGUILAR

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with