Lider ng 'Madrigal Group', 5 pang galamay timbog
October 16, 2003 | 12:00am
Tuluyan nang nalansag ng awtoridad ang kilabot na Madrigal Group, isa sa mga notoryus at most wanted na carnapping syndicate na kumikilos sa Metro Manila at ilang mga karatig-lugar matapos na maaresto ang lider ng nasabing grupo at ang pito pa nitong mga galamay sa isinagawang raid, kamakalawa ng umaga sa Valenzuela City.
Sa pangunguna ni P/Supt. Jose Marcelo, hepe ng Valenzuela City Police, nasakote dakong alas-6 ng umaga ang lider ng Madrigal Group na si Edwin Balla Imperial, alyas Edwin Madrigal, 31, tubong Bicol at residente ng #5145 San Gregorio St., Gen. T. de Leon, Valenzuela City at ang mga galamay nito na sina Melecerio Rodellas Vellosero, alyas Miling, 40; Darwin Ilogos Reyes,25; Fernan de Leon, Balingit, alyas Fernan, 28; Alex Dante Dungo, alyas Alex, 29; at isang Vicente Garcia Masilungan alyas Vic, 28.
Narekober din ng Valenzuela City Police sa nasabing operasyon ang isang Honda City Sedan na may plakang KCR-759, Mitsubishi Adventure Wagon, model 2002 na may plakang CSS-955, 1 unit Mitsubishi Fuso tow truck na may plakang CWL-569, anim na mga licensed plate numbers na may mga numerong THF-922, XDN-283, UTZ-748, CRS-457, TCM-420 at XDY-871 at labing-siyam na mga makina at chop-chop na mga sasakyan.
Base sa ulat, dakong alas-10 ng gabi noong Oktubre 13, 2003 nang makatanggap ng tawag ang Valenzuela City Police mula sa Patrol 117 kung saan isang residente ang nagbigay sa kanila ng impormasyon hinggil sa iligal na aktibidades ng nasabing grupo at ang lokasyon ng pinagkukutaan ng mga ito.
Agad na bumuo ng raiding team ang Valenzuela City Police at agad na tinungo kinabukasan ang pinagkukutaan ng Madrigal group sa #293 Panghulo, Obando sa boundary ng Bulacan at Valenzuela City at dito ay naaresto ang lider ng nasabing grupo na si Edwin Madrigal at lima pa nitong mga kasamahan.
Nabatid na sinubukan pa umanong manlaban at tumakas ng grupo subalit napilitan na lamang sumuko nang malamang napapalibutan sila. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended