^

Metro

15 political prisoners magha-hunger srike sa pagdating ni Bush

-
Magsasagawa ng limang araw na hunger strike ang 15 political prisoners sa New Bilibid Prison (NBP) bilang protesta sa pagdating sa bansa ni U.S. President George W. Bush sa darating na Sabado.

Nabatid na kabilang dito si Rolando Contenente na sangkot sa pagpaslang kay Col. John Row, isang sundalong Amerikano na inambus habang papalabas sa JUSMAG, Quezon City maraming taon na ang nakalipas.

Base sa rekord ng NBP, dapat aniya ay nakalaya na si Contenente ngunit pinigil umano ng U.S. government ang pagpapalaya dito.

Ang hunger strike ng 15 political prisoners ay sisimulan ngayong araw na ito hanggang sa Sabado sa mismong araw nang pagdating ni Bush.

Makikiisa rin umano sa aksyon ang iba pang mga political prisoners na nakalaya na. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AMERIKANO

CONTENENTE

JOHN ROW

LORDETH BONILLA

MAGSASAGAWA

NEW BILIBID PRISON

PRESIDENT GEORGE W

QUEZON CITY

ROLANDO CONTENENTE

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with