^

Metro

DOJ nagbabala vs Judge Yadao

-
Binalaan ng Department of Justice si Quezon City Regional Trial Court Judge Ma. Theresa Yadao na malalagay ito sa alanganin kung hindi magpapalabas ng warrant of arrest laban kay Senador Panfilo Lacson ngayong Lunes.

Ayon kay Chief State Prosecutor Jovencito Zuño, malalagay sa balag ng alanganin si Yadao kung hindi nito susundin ang tamang procedure sa pagpapalabas ng arrest warrant.

Aniya, titiyakin nilang magpapalabas ng arrest warrant si Yadao laban kay Lacson ngayon Lunes o sa loob ng linggong ito dahil mapipilitan naman silang magsampa ng motion for reconsideration kung walang gagawing aksiyon ang nasabing huwes.

Ipinaliwanag ni Zuño na wala namang dahilan si Yadao upang hindi magpalabas ng warrant of arrest laban kay Lacson dahil ilang araw na ang nakalilipas simula ng katigan ng Korte Suprema ang kahilingan ng prosecution na muling buhayin ang Kuratong Baleleng rubout case.

Samantala, sinabi naman ni dating Justice Secretary Artemio Toquero na isa ring Erap appointee na hindi naman maaaring i-pressure si Yadao sa pagpapalabas nito ng warrant of arrest dahil ito ay nasa diskresyon na ng huwes. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ANIYA

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZU

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUSTICE SECRETARY ARTEMIO TOQUERO

KORTE SUPREMA

KURATONG BALELENG

LACSON

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT JUDGE MA

SENADOR PANFILO LACSON

THERESA YADAO

YADAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with