10 Indian nationals timbog
October 10, 2003 | 12:00am
Sampung Indian nationals na pawang miyembro ng sindikato na namemeke ng kasal sa mga Pinay upang maging residente sila sa bansa ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa isinagawang operasyon sa Mandaluyong City.
Ayon kay Immigration Acting Commissioner Arthel Caronongan na dalawa lamang sa sampung Indian nationals ang may hawak ng temporary residents visa (TRV) na kapwa kasal sa mga Pinay, samantalang ang walo pa ay pawang mga undocumented at overstaying aliens.
Naaresto ang 10 sa kanilang safehouse sa Mandaluyong City ng mga kagawad ng BI intelligence group.
Iginiit ni Caronongan na kahit na mayroong hawak na TVR ang dalawang Indian nationals ay ide-deport pa rin nila ang mga ito kasama ang walo nilang kababayan dahil sa pagsasabwatan.
Hinihinala ng BI na ang mga suspect ang siyang responsable sa pag-aayos ng mga pekeng kasal sa mga Pinay at iba pang Indian nationals para makapanatili sila ng matagal sa Pilipinas para sa kanilang negosyong 5-6. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended