Nakilala ang mga ito na sina Rodrigo Mapoy, 47, special investigator IV at Don Emmanuel Regulario, 26, special investigator III, kapwa nakatalaga sa NBI-CID.
Ayon kay NCRPO chief Deputy Director General Reynaldo Velasco, nagreklamo sa kanila ang isang nagngangalang Pocholo Matias na umanoy hinihingan ng halagang P300,000 ng dalawang NBI agent.
Agad na isinagawa ang entrapment operation sa loob ng Century Park Hotel sa Vito Cruz, Manila kahapon ng hapon kung saan nagkita sina Matias at ang mga suspect.
Dinakip ang dalawa nang kinuha ni Mapoy ang isang PLDT envelope na naglalaman ng pera at saka ipinasa kay Regulario.
Tinangka pa ni Mapoy na tumakas subalit mabilis itong naharang ng mga awtoridad. (Ulat nina Doris Franche at Gemma Amargo)