^

Metro

2 NBI agent tiklo sa kotong

-
Naaresto ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang dalawang ahente ng NBI sa isinagawang entrapment operation makaraang kikilan ang isang negosyante sa Maynila, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang mga ito na sina Rodrigo Mapoy, 47, special investigator IV at Don Emmanuel Regulario, 26, special investigator III, kapwa nakatalaga sa NBI-CID.

Ayon kay NCRPO chief Deputy Director General Reynaldo Velasco, nagreklamo sa kanila ang isang nagngangalang Pocholo Matias na umano’y hinihingan ng halagang P300,000 ng dalawang NBI agent.

Agad na isinagawa ang entrapment operation sa loob ng Century Park Hotel sa Vito Cruz, Manila kahapon ng hapon kung saan nagkita sina Matias at ang mga suspect.

Dinakip ang dalawa nang kinuha ni Mapoy ang isang PLDT envelope na naglalaman ng pera at saka ipinasa kay Regulario.

Tinangka pa ni Mapoy na tumakas subalit mabilis itong naharang ng mga awtoridad. (Ulat nina Doris Franche at Gemma Amargo)

CENTURY PARK HOTEL

DEPUTY DIRECTOR GENERAL REYNALDO VELASCO

DON EMMANUEL REGULARIO

DORIS FRANCHE

GEMMA AMARGO

MAPOY

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

POCHOLO MATIAS

RODRIGO MAPOY

VITO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with