Mata ng driver pinasabog ng addict
October 10, 2003 | 12:00am
Sabog ang kaliwang mata ng isang binata makaraang barilin ito ng isang umanoy addict sa kanilang lugar nang masulyapan ng una ang bangag na suspect, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Ang biktimang kasalukuyan ngayong inoobserbahan sa Tondo Medical Center ay kinilalang si Aldrin Sistracon, 27, driver at residente ng #336 Espiritu St., Dampalit ng nasabing lungsod.
Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng Malabon City Police laban sa suspect na nakilala lamang sa pangalang Abner na mabilis na tumakas dala ang ginamit na baril.
Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-6:30 ng gabi sa kahabaan ng Espiritu St., Dampalit, Malabon City.
Naglalakad umano papauwi ang biktima nang makasalubong nito ang bangag na suspect at aksidenteng napatitig ito sa huli.
Ayon sa ilang saksi, ikinagalit ng suspect ang pagkakasulyap ng biktima kung saan ay sinita niya ang huli sa masamang pagkakatitig nito at walang sabi-sabing binunot ang dalang .22 kalibreng baril at ipinutok sa huli.
Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang suspect habang mabilis namang isinugod sa nasabing pagamutan ng mga saksi ang biktima na hanggang sa kasalukuyan ay nasa kritikal na kondisyon. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended