^

Metro

Grade 4 pupil dinukot,hinalay ng kumpare ng tatay

-
Isang grade 4 pupil ang dinukot at ginahasa ng kumpare ng kanyang tatay na naganap kamakalawa ng umaga sa isang bangka sa dalampasigan ng Laguna de Bay sa Taguig.

Agad namang nadakip ang suspect na nakilalang si Michael Mocam, 28, walang hanapbuhay at kapitbahay ng biktima.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng umaga nang lumabas ng bahay ang paslit na biktima na itinago sa pangalang Natasha upang manghiram ng libro sa bahay ng kaklase nito.

Nabatid na tinawag ito ng suspect at dahil sa kakilala siya ng bata ay lumapit ito kay Mocam.

Agad umanong tinutukan ng suspect ng patalim ang bata at saka puwersahang dinala sa dalampasigan. Isinakay ito sa isang bangka at doon hinalay.

Napag-alaman na paulit-ulit na ginahasa ng suspect ang biktima at pagkatapos nito ay itinago pa sa isang kubo sa Bagong Bayan.

Nang maghanap ang ina ng biktima ay nakita nito ang anak sa naturang lugar at doon lamang niya nalaman ang ginawang pang-aabuso dito ng suspect.

Si Mocam ay sinampahan ng kasong multiple at statutory rape. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BAGONG BAYAN

ISANG

ISINAKAY

LORDETH BONILLA

MICHAEL MOCAM

MOCAM

NABATID

NANG

NAPAG

SI MOCAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with