^

Metro

Malupit sa ina at mga kapatid pinatay

-
Dahilan sa pagiging malupit sa paralisadong ina at mga kapatid pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 50-anyos na binata ng isang hindi nakikilalang lalaki, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Namatay noon rin sanhi ng mga tinamong saksak sa kanyang dibdib ang biktimang si Alberto Perez, walang trabaho ng 392 Mata St., Tondo, samantalang patuloy pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad ang hindi nakikilalang suspect na mabilis na tumakas matapos ang pamamaslang.

Ayon sa ulat ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling araw ng dumating ang biktima na lango sa alak at kaagad umanong sinita ang paralisado niyang ina at mga kapatid.

Binanggit ng mga kapatid nito na lubhang barumbado ang nasawi at sa tuwing ito ay malalasing ay madalas na inaaway ang kanilang ina at pinalalayas pa sila sa bahay.

Kahapon ng madaling araw ay muling inaway ng biktima ang sariling ina at mga kapatid. Hindi pa ito nasiyahan at pinagbabato pa ng bote ng alak ang ina. Binuhat pa nito ang paralisadong ina at saka inilipat sa ibang bahay.

Malaki ang hinala ng pulisya na nasaksihan marahil ng suspect ang ginawang pagmamalupit nito sa ina at mga kapatid kung kaya hindi nito matiis ang ginagawa ng biktima kaya siya na ang nagpatahimik dito sa pamamagitan ng pagsaksak. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ALBERTO PEREZ

AYON

BINANGGIT

BINUHAT

DAHILAN

GEMMA AMARGO

INA

KAHAPON

MATA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with