^

Metro

Demanda kay Joey iniurong na ni Kris

-
Pormal ng iniurong ng kontrobersyal na aktres/TV host na si Kris Aquino ang kasong isinampa nito laban kay Parañaque Mayor Joey Marquez sa Rizal Provincial Prosecutor’s Office.

Sa isang pahinang affidavit of desistance na isinumite ni Atty. Celine Casanova ng Fortun Law Office sa Rizal Prosecutors Office kahapon ng hapon, nakasaad na pormal ng iniuurong ng kanilang kliyenteng si Kris Aquino ang mga kasong grave threat, grave coercion, illegal possession of firearms at less serious physical injury laban kay Joey Marquez.

Matatandaang isinampa ni Kris ang mga nasabing kaso noong nakaraang Lunes Sept. 29 sa prosecutors office ng Rizal ng bugbugin umano at tutukan ng baril ni Joey ang dating live-in partner sa condominium unit sa Essensa, West Bicutan,Taguig.

Ang pagbawi sa kaso ay bunga ng paghingi ng tawad ni Marquez kay Aquino sa isang live na panayam sa telebisyon, sinabi rin sa panayam na kailanman ay hindi nito sinabing sinungaling ang kanyang dating lover.

Ilang minuto matapos ang paghingi ng tawad, nagsalita rin si Aquino sa isa ring live interview na pinatatawad na niya si Marquez at inamin din niya na nagkaroon din siya ng pagkakamali. (Ulat ni Edwin Balasa)

AQUINO

CELINE CASANOVA

EDWIN BALASA

FORTUN LAW OFFICE

JOEY MARQUEZ

KRIS AQUINO

LUNES SEPT

MARQUEZ

MAYOR JOEY MARQUEZ

RIZAL PROSECUTORS OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with