^

Metro

Kinidnap na negosyante pinalaya sa P5M ransom

-
Matapos magbayad ng limang milyong piso pinalaya na kamakalawa ng kanyang kidnaper ang isang 29-anyos na Tsinoy trader na dinukot sa Caloocan City noong nakalipas na linggo.

Base sa impormasyon, ang kidnap-victim na si Jefferson Tan Lim, may-ari ng Gold Ever Hardware and Auto Supply ay inabandona ng mga suspect sa isang liblib na lugar sa Caloocan City matapos na makapagbigay ng naturang halaga ang pamilya nito.

Sa panayam ng PSN kay Supt. Dionicio Borromeo, hepe ng Caloocan City Police Station Investigation Intelligence Branch, kusa umanong nagbayad ang pamilya ng biktima sa apat na suspect kung saan ay itinago ng mga ito sa pulisya ang isinagawang negosasyon at bayaran.

Sinabi pa ni Borromeo na tumanggi ring makipag-tulungan sa pulisya ang pamilya ng biktima para sa pagkakakilanlan sa mga suspect. Ayon sa pamilya sapat na umano na ligtas at nakalaya na ang biktima.

Magugunitang noong buwan ng Setyembre ay pangalawa si Lim sa iniulat na kinidnap sa CAMANAVA area. (Ulat ni Rose Tamayo)

AYON

BORROMEO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE STATION INVESTIGATION INTELLIGENCE BRANCH

DIONICIO BORROMEO

GOLD EVER HARDWARE AND AUTO SUPPLY

JEFFERSON TAN LIM

MAGUGUNITANG

MATAPOS

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with