^

Metro

Trader dinedo ng sariling utol

-
Isang negosyante ang natagpuang duguan at may tama ng baril sa katawan sa loob ng kanyang paupahang establisyimento kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nasawi habang isinusugod sa Tondo Medical Center ang biktimang si Ramil Gonzales, 49, ng Looban 3, Sulucan Hulong Duhat matapos na magtamo ng bala ng kalibre .22 sa likod.

Kasalukuyan namang sumasailalim sa interogasyon ng pulisya ang kapatid nitong si Siquel Gonzales, 55 dahil ito lamang ang kasama ng biktima sa pina-uupahang commercial space sa 24 F.Sevilla Blvd. bago maganap ang insidente bandang ala-1 kamakalawa ng hapon.

Lumilitaw na may malaking galit at inggit umano si Siquel sa biktima dahil dito lamang ipinagkatiwala ng kanilang magulang ang naiwang negosyo kabilang ang paupahang lugar.

Bunga nito, malaki ang paniniwala ng pulisya na posibleng inggit ang nag-udyok sa suspect upang isagawa ang krimen.

Gayunman, iniimbestigahan pa ng pulisya ang posibleng ibang motibo ng pamamaslang. (Ulat ni Jo Cagande)

vuukle comment

BUNGA

GAYUNMAN

ISANG

JO CAGANDE

MALABON CITY

RAMIL GONZALES

SEVILLA BLVD

SIQUEL GONZALES

SULUCAN HULONG DUHAT

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with