^

Metro

Estudyante nag-suicide o pinatay?

-
Palaisipan ngayon sa pulisya kung nagpakamatay o pinatay ang isang engineering student, na natagpuang lasug-lasog ang katawan sa isang parking area kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Maynila.

Halos tuyo na ang dugo sa bangkay ng biktimang si Michael de Villa,17, 1st Yr. Engineering student sa Mapua Institute of Technology at nakatira sa 528 M. dela Fuente St. Sampaloc, Maynila at tubong Tanauan, Batangas nang matagpuan ng nagpapatrulyang guwardiya ng SM Manila. Nakilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang identification card at sinasabing kamag-anak umano ni dating Defense Secretary Renato de Villa.

Sa ulat ni SPO2 Alfredo Salazar ng WPD-Homicide Division, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-11 ng gabi sa YMCA compound sa tabi mismo ng SM Manila sa Arroceros St. ng nasabi ding lungsod.

Wala pang malinaw na teorya ang pulisya kung nagsuicide ang biktima o itinulak ito mula sa ikalimang palapag ng naturang establisiyimento. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALFREDO SALAZAR

ARROCEROS ST.

BATANGAS

DANILO GARCIA

DEFENSE SECRETARY RENATO

FUENTE ST. SAMPALOC

HOMICIDE DIVISION

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

MAYNILA

NAKILALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with