^

Metro

Inuman niratrat: 1 patay; 3 pa grabe

-
Isa ang namatay habang tatlo pa ang sugatan makaraang paulanan ng bala ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang isang grupo na nag-iinuman kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Patay na nang idating sa East Avenue Medical Center ang biktima na si Jeffrey Reyes, ng Luzon Ave. Brgy. Culiat, Q.C. sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa katawan.

Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa nabanggit ding ospital ang mga biktimang sina Pablo Legaspi, 39, driver; Mel Quiades, 37 at Delfin Bunanganay, 35, pawang mga residente ng Purok 4-A Luzon Ave. Nagtamo ang mga ito ng tig-isang tama ng bala sa katawan.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Rodrigo Barrameda ng CPD-CIU naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa tapat mismo ng bahay ni Reyes sa Brgy. Culiat sa Q.C.

Nasa kasarapan ng pag-iinuman ang mga biktima nang bigla na lamang lumapit ang dalawang hindi pa nakikilalang suspect na sakay ng motorsiklo.

Bigla na lamang nitong pinaulanan ng bala ang grupo at mabilis na tumakas matapos na makitang bumulagta ang apat.

May hinala ang pulisya na posibleng may kaalitan ang grupo o isa sa miyembro ng grupo at nais na paghigantihan ng mga suspect. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

A LUZON AVE

BRGY

CULIAT

DELFIN BUNANGANAY

DORIS FRANCHE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JEFFREY REYES

LUZON AVE

MEL QUIADES

PABLO LEGASPI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with