Briton nambastos sa isip ni Jestoni Alarcon,timbog
October 5, 2003 | 12:00am
Isang British national ang dinakip ng pulisya makaraang bastusin at batuhin ng table napkin ang dalawang ginang kabilang ang misis ng aktor na si Jestoni Alarcon ng hindi inumin ng mga biktima ang iniaalok na red wine ng una, kahapon ng umaga sa isang five star hotel sa Makati City.
Nakapiit ngayon ang suspect na nakilalang si Normal Dalsell, pansamantalang nanunuluyan sa Shangrila Hotel.
Kinilala naman ang mga biktima na sina Lizzete Capili-Alarcon, 32, ng Filinvest East Cainta, Rizal at Kathy Eubanks Zablan, 29 ng Antonio Village, Makati City.
Base sa reklamo ng mga biktima sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5 ng umaga sa lobby ng Manila Peninsula Hotel na matatagpuan sa panulukan ng Makati at Ayala Avenue ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na kasalukuyang nag-aalmusal ang mga biktima ng lapitan ng lasing na suspect na may dalang dalawang baso ng red wine na inilapag sa ibabaw ng kanilang mesa.
Subalit hindi ito pinansin ng mga biktima at hindi nila ininom ang ibinigay na red wine ng dayuhan.
Nagalit ang suspect kung saan inagaw nito ang cellphone ni Alarcon at sinimulan na silang bastusin nito.
Hindi pa nakuntento at kumuha ng table napkin at saka ibinato sa dalawang ginang. Tinawag pa ng suspect ang in-house security at pilit na ipinatataboy sa labas ang dalawa.
Mabilis namang nagreport sa pulisya ang management ng hotel kung saan ipinadakip ang suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended