^

Metro

Bahay ng general hinagisan ng bomba

-
Hinagisan ng bomba ng hindi pa nakikilalang mga suspect ang quarter ni Central Police District director Chief Supt. Napoleon Castro na ikinasira ng bubong at bintana ng bahay nito at ilang sasakyang nakaparada dito sa loob ng Camp Karingal sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ayon sa ilang saksi, naganap ang pagsabog dakong alas-3:15 ng madaling-araw nang pumarada ang isang kulay itim na sasakyan sa may Bliss na nasa likod ng kampo at ilang metro lamang ang layo sa bahay ng opisyal.

Ayon sa mga testigo, dalawang lalaki umano ang bumaba ng kotse at isang improvised bomb ang inihagis sa bubong ng bahay ng CPD chief.

Minalas na sumabit ang bomba sa puno kung kaya’t nagpagulong ito sa bubong ng bahay at saka doon sumabog. Nadamay din sa nawasak ang apat na recovered vehicles na nakaparada malapit sa quarters ni Castro.

Ikinabigla ng asawa, anak at mga apo ni Castro ang pagsabog .

Magugunitang isa si Castro sa dalawang PNP generals na idinawit ng ‘whistle blower’ na si Jonathan Prestado sa operasyon umano ng illegal drugs at kidnapping.

Ipinagkibit-balikat din ni Castro na posibleng may kinalaman si Prestado sa naturang insidente. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

CAMP KARINGAL

CENTRAL POLICE DISTRICT

CHIEF SUPT

DORIS FRANCHE

HINAGISAN

IKINABIGLA

JONATHAN PRESTADO

NAPOLEON CASTRO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with