Dalaga binoga dahil sa droga
October 2, 2003 | 12:00am
Hinihinalang onsehan sa droga ang dahilan kung kaya tinadtad ng bala ng baril hanggang sa mapatay ang isang dalaga, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Agad na nasawi sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan ang biktimang si Analyn Calasicas, 28, ng #68 San Pedro Subdivision, Alfred St., Barangay San Bartolome ng nasabing lungsod.
Sa ulat ni PO1 Joseph Dino ng CPD-Criminal Investigation Unit naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa kahabaan ng Continental Compound, Brgy. Gulod, Quezon City.
Naglalakad ang biktima kasama ang isang kaibigan nang bigla na lamang umanong sumulpot ang hindi pa nakikilalang lalaki at agad na pinagbabaril ang dalaga.
Matapos ang ginawang pagpaslang ay mabilis na tumakas ang suspect na tinatayang 30-taong gulang, payat at walang damit pang-itaas.
Binanggit pa ng pulisya na posible umanong onsehan sa droga ang motibo ng pagpaslang dahil sa kilala ang biktima sa lugar bilang runner ng ipinagbabawal na gamot.
Narekober sa nasawi ang isang cellphone at bungkos ng pera na hindi pa mabatid ang halaga. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended